top of page

COMELEC: “Malaking tulong” ang online fake news quiz


I-test ang galing sa pagkilala ng fake news sa loob ng limang minuto


Naniniwala ang Commission on Elections na makakatulong ang bagong university-based online fake news quiz para maging makagawa ng mas maalam o informed decision ang mga botante sa darating na eleksyon.


Nitong Miyerkules, inilunsad ng Ateneo School of Government, sa pamamagitan ng Boses, Opinyon, Siyasat, at Siyensya para sa Pilipinas (BOSES Pilipinas) at PARTICIPATE, ang What the Fake?!: Ang Fake News Challenge ng Bayan- isang five-minute online quiz at survey na layong tulungan ang mga voting-age Filipinos na masukat ang kanilang kakayahan na makakilala ng fake news at real news.


“Because of this, we’ll be able to know the awareness of the youth towards fake news and how they respond to fake news… that would contribute to educating themselves to be properly informed and become intelligent voters come the 2022 elections” paliwanag ni Comelec Education and Information Department Director Atty. Elaiza Sabile-David sa online press conference.


Ang What the Fake?! ay ang kauna-unahang university-based misinformation diagnostic tool sa layong sumukat kung gaano kahina o kalakas ang mga botanteng Pilipino laban sa fake news. Binubuo ito ng 12 items – anim na real news items at anim na fake news items – na dapat sagutin ng mga respondents kung real o fake.


“The very heart of What the Fake?! is to help others fight misinformation and disinformation and at the same time, to prepare them for the 2022 elections by testing if their judgment in identifying fake news from real news is impaired or not. Masasagutan ang What the Fake?! sa loob lang ng humigit-kumulang limang minuto!” paliwanag ni BOSES Pilipinas convenor Imelda Deinla.


“Hindi lang limitado sa mga kabataan ang pwedeng sumagot ng web app na ito, kung hindi lahat ng mga kababayan natin na nasa tamang edad na para makaboto and at the same time, gustong suriin ang sarili nila kung gaano sila ka-vulnerable sa fake news,” dagdag pa niya.


Maaaring maaccess ang What the Fake?! online quiz sa www.inclusivedemocracy.ph/fakenewschallenge


MAS MULAT, MAS TAMANG PAGPILI


Ayon kay David, ang pagsagot sa What the Fake?! online quiz ay maaaring makatulong sa mga botante para maging mas mulat o malaman kung gaano nga