BANTAYAN ANG HALALAN GAMIT ANG NAMFREL APP!

279421918_10159183024638173_1227169047358729342_n.png

Maaaring sumali ang ordinaryong mamamayan sa pagbabantay sa darating na halalan!

Gamitin ang NAMFREL app upang alamin ang mobile signal strength sa inyong mga voting centers, at kuhanan ng picture ang mga Election Returns (ER).

viber_image_2022-05-05_13-22-47-898.jpg

ALAMIN ANG MOBILE SIGNAL STRENGTH SA INYONG VOTING CENTER

 

Mahalagang malaman natin ang signal strength o kakayahan at bilis ng mobile network ng mga voting center upang masiguro na tamang maita-transmit ang resulta ng vote counting machine (VCM) sa araw ng halalan.


Maaari kang pumunta sa malapit na voting center para-i-test ang signal doon gamit ang NAMFREL app.

viber_image_2022-05-05_13-22-47-263.jpg

KUHANAN NG LITRATO ANG MGA PRINTED ELECTION RETURNS (ER)

 

Matapos ang botohan at pag-transmit ng resulta sa election day, ipapaskil sa labas ng mga voting precinct ang printed election returns (ER) na naglalaman ng resulta ng halalan.

Ito ay may kasamang hash code ng vote counting machine (VCM) na maihahalintulad sa finger print ng isang tao. Iisa lamang ang system hash code ng lahat ng vote counting machines. Kapag nag-submit ka ng ER, ikukumpara ito ng NAMFREL sa hash code na makikita sa COMELEC website. Kapag nakita ito na may pagkakaiba, ire-report agad ito ng NAMFREL sa COMELEC. 

Tandaan na ang Election Returns (ER) lamang ang maaaring kuhanan ng litrato sa araw ng halalan. Ipinagbabawal ang pagkuha ng Verifiable Paper Audit Trail (VPAT) na pini-print ng vote counting machine kapag naka-boto ka at naglalaman kung sino-sino ang ibinoto mo.

TARA! MAKILAHOK NA SA PAGBABANTAY NG HALALAN!

Gamit ang NAMFREL app, kahit sino, kahit saan, maaaring magbantay ng boto, magbantay ng bayan.

 

I-click ang buttons sa ibaba para mag-download ng app.

If you are an Apple user, download using the button below:

(Kung ikaw ay gumagamit ng Apple device [iPhone, iPad], gamitin ang button sa ibaba para ma-download ang app)

Screenshot 2022-05-05 140109.jpg

If you are an Android user, download using the button below:

(Kung ikaw ay gumagamit ng Android device [Samsung, Xiaomi, Oppo], gamitin ang button sa ibaba para ma-download ang app)

Screenshot 2022-05-05 140128.jpg
viber_image_2022-05-05_13-22-46-604.jpg

MAAARI MO DING GAMITIN ANG NAMFREL APP UPANG MAG-REPORT

 

Mag-sign up bilang NAMFREL volunteer para magamit ang iba pang reporting features ng NAMFREL app.

MAY IBA KA PA BANG TANONG TUNGKOL SA APP?

PANOORIN ANG VIDEO NA ITO

GABAY PARA BANTAYAN ANG ATING HALALAN!

 

Hindi mo kailangang maging kasapi ng anumang organisasyon upang bantayan ang halalan.

Anumang pinag-aralan, anumang paniniwala, matanda man o bata, may kaya o wala, ang lahat ay maaaring maging Bantay ng Bayan.

Alamin sa video na ito kung anu-ano ang mga dapat bantayan sa iba't ibang proseso ng 2022 elections, at kung kani-kanino mo maaaring idulog ang iyong mga obserbasyon.

278362579_10159154777968173_4766603996732006492_n.jpg

FOLLOW US ON OUR SOCIAL MEDIA CHANNELS

  • Facebook
  • TikTok
  • YouTube
  • Instagram
  • Twitter